Anak

No'ng isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang 'yong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y 'di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na ang nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag, walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago, naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

'Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo, 'di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganiyan?"

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha nang 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali



Credits
Writer(s): Freddy Aguilar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link