Litrato

Hmm, whoa
Oh, oh
Whoa, whoa, whoa, whoa
Hmm, no

'Di mo ba napapansin na ako'y wari'y
'Di mapakali sa t'wing ika'y nakatingin?
Sa tagal ng ating pagsasamang dalawa
Unti-unting ang puso ko'y nahulog na

La-la-la-la-la-la-la, panahon ay darating
La-la-la-la-la-la-la, masasabi ko rin

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo
Nakasilid sa ilalim ng unan ko
Napangiti na para bang loko-loko, sana ikaw na
Nakatingin sa huling litrato mo
Alam mo ba kung sino ang nakita ko?
Ang huling bibigyan ng pag-ibig ko, sana ikaw na

Hmm, 'di ako 'yung tipo na 'di kayang magtapat
Oh, ngunit bakit 'pag sa 'yo tila 'di sapat?
Siguro ay mahirap lang isipin ang
Katotohanan na ako'y kaibigan lang

La-la-la-la-la-la-la, panahon ay darating
La-la-la-la-la-la-la, masasabi ko rin

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo (nakatingin sa huling litrato mo)
Nakasilid sa ilalim ng unan ko (oh)
Napangiti na para bang loko-loko, sana ikaw na (oh-whoa)
Nakatingin sa huling litrato mo (ako'y nakatingin)
Alam mo ba kung sino ang nakita ko? (Oh)
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko, sana ikaw na

Marahil ito'y tila lumang tugtugin
Oh, ngunit ito'y kay sarap awitin (ngunit ito)

La-la-la-la-la-la-la, panahon ay darating
La-la-la-la-la-la-la (bata, paupo naman)
Masasabi ko rin (sa may unang kanan, may sasabihin lang ako)

Magandang umaga, kamahalan
Ikaw ay parang paborito kong ilarawan
'Di ko magawang pagsawaan, pagmasdan
Ang tanging hiling huwag mo munang pagsarhan

Puso ko'y nakangiti 'pag ika'y nandiyan
Sa taas ng talon, daig pa Pagsanjan
Tinatawag ko ang iyong pangalan
'Di mo lang naririnig, maraming nakaharang

Ako'y nag-aabang sa baba ng hagdan
Umaasang pagbaba mo ikaw ay mahagkan
Kung ikaw ay pagsusulit, mahirap-hirap ang
Bawat katanungan, mangilan-ngilan lang

Ang pumapasa sa 'yo, itaga mo sa bato
Na pipilitin kong mapunan ang patlang
'Di ko man makuha ang tamang kasagutan
Kahit na hindi undas, ako'y magpaparamdam

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo
Nakasilid sa ilalim ng unan ko (sa ilalim ng unan ko)
Nakangiti na para bang loko-loko, sana (sana) ikaw na
Nakatingin sa huling litrato mo
Alam mo ba kung sino ang nakita ko? (Alam mo ba? Alam mo ba?)
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko, sana ikaw na (ikaw na, ikaw na)

Ako'y nakatingin sa huling litrato mo (whoa)
Nakasilid sa ilalim ng unan ko (whoa)
Nakangiti na para bang loko-loko, sana ikaw na (ikaw na)
Nakatingin sa huling litrato mo (oh)
Alam mo ba kung sino ang nakita ko? (Alam mo ba'ng nakita ko?)
Ang huling binigyan ng pag-ibig ko, sana ikaw na (ikaw na)



Credits
Writer(s): Timothy Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link