Oh Babe

Oh babe, isang tingin mo lang
Para na akong tinutunaw
'Pag ika'y lumapit na
Ang dibdib ko'y puro kaba

Oh babe, isang halik mo lang
Ang mundong ito'y nagugunaw
'Pag ako'y niyakap mo
Kalas lahat ng buto ko

Oh babe, ako ay talagang patay sa 'yo
Sa true love mo ako mahihimlay
Babe, ano nga bang tunay na sikreto mo
At ako ay nahibang mo ng husto

Oh babe, isang ngiti mo lang
Pawi na ang aking uhaw
Huwag ka lamang tatawa
Baka ako'y malunod na

Oh babe, ako ay talagang patay sa 'yo
Sa true love mo ako mahihimlay
Babe, ano nga bang tunay na sikreto mo
At ako ay nahibang mo ng husto

Oh babe, isang ngiti mo lang (isang ngiti mo lang)
Pawi na ang aking uhaw
Huwag ka lang tatawa
Baka ako'y malunod na



Credits
Writer(s): Milton Kabak, Louis Prima
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link