Kumusta Ka

Kay tagal din nating 'di nagkita
Ako'y nasasabik na sa 'yo
Kamusta ka na, nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah, la, la

Sumulat ako upang malaman mong
Ako'y tapat pa rin sa 'yo
May problema ka ba, matutulungan ba kita?
Sa 'kin ay huwag kang mangamba
Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah, la, la

Tandaan mo na lang ang sasabihin ko sa 'yo
Ang pag-ibig kong ito'y 'di magbabago
Kahit malayo ka sa piling ko

Umulan, bumagyo, ayos lang
Huwag kang mangangamba, ayos lang
Kamusta ka, mahal ko, okay ba?
Sana'y 'di pa rin nagbabago

Tandaan mo na lang ang sasabihin ko sa 'yo
Ang pag-ibig kong ito'y 'di magbabago
Kahit malayo ka sa piling ko

Umulan, bumagyo, ayos lang
Huwag kang mangangamba, ayos lang
Kamusta ka, mahal ko, okay ba?
Sana'y 'di pa rin nagbabago

Umulan, bumagyo, ayos lang
Huwag kang mangangamba, ayos lang
Kamusta ka, mahal ko, ayos ba?
Sana'y 'di pa rin nagbabago

Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah-ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah, la, la



Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link