Tayoy Mga Pinoy

Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan, ako'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit 'di ko maipakita tunay na sarili

Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw?
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya? Mayro'n naman tayo
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan, tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw?
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo?
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
S'ya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, pa-Inglis-Inglis pa
At kung pakikinggan, mali-mali naman, 'wag na lang

Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy
Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy

Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango



Credits
Writer(s): Bartolome Heber
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link