Minsan

Minsan sa may kalayaan, tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong
Kahit na ano'ng mangyari, kahit na saan ka man patungo

Nguni't ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman hanggang magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga t'yan nati'y walang laman
Nguni't kahit na walang pera ang bawat gabi'y ano'ng saya

Nguni't ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na ano'ng gawin, lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan
Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan

Nguni't kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan



Credits
Writer(s): Jay Norman Justiniani, Dosdos Jhunjie, Fritz Labrado, Mabini Jovan, Ruben Caballero, Michael Manuel Ladia Manaloto
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link