Sabihin Mong Lagi

Ako pa rin kaya ang iibigin mo?
Kung makakita ka ng higit sa isang katulad ko
Hindi ako magbabago tulad ng sinabi ko
Ang pag-ibig ko'y para lamang sa iisang puso

Sana ay hindi lamang sa labi mo maririnig
'Yan ay asahan mo 'pagkat ako'y tapat sa pag-ibig

Sabihin mong lagi, ako'y iyong mahal
At hindi panandalian kundi panghabang-buhay
Hindi magtataksil kahit na kailanman
Dahil ang tibok ng puso nati'y iisa ang nararamdaman

Ako pa rin kaya mula sa simula?
At magpahanggang-wakas ay 'di ka magpapabaya
Hindi ganyan ang tulad ko, kilala mo naman ako
'Pag umibig ay tunay lagi ang hangarin nito

Sana ay hindi lamang sa labi mo maririnig
'Yan ay asahan mo 'pagkat ako'y tapat sa pag-ibig

Sabihin mong lagi, ako'y iyong mahal
At hindi panandalian kundi panghabang-buhay
Hindi magtataksil kahit na kailanman
Dahil ang tibok ng puso nati'y iisa ang nararamdaman

Sabihin mong lagi, ako'y iyong mahal
At hindi panandalian kundi panghabang-buhay
Hindi magtataksil kahit na kailanman
Dahil ang tibok ng puso nati'y iisa ang nararamdaman
Dahil ang tibok ng puso nati'y iisa ang nararamdaman



Credits
Writer(s): Saturno Federico A.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link