Pag-Ibig ko Sa Iyo'Y 'Di Magbabago

Kay tagal kitang hinanap-hanap
Hinihintay at pinapangarap
Ngayon nakita ka'y 'di ako papayag
Na sa piling ko'y mawalay pa

Bawat naisin mo'y ibibigay sa 'yo
Lahat ng gusto mo ay susundin ko
Huwag sanang magbabago
Puso't isipan ko'y para lang sa iyo

Pag-ibig ko sa 'yo'y 'di magbabago
Habang tumatagal, lalong nag-iibayo
Buong buhay ko'y inaalay sa 'yo
Kapag nawala ka'y wala na rin ako

Ang akala ko'y ika'y pangarap lamang
Hindi makikita at hindi masisilayan
Ngayong alam ko nang na ikaw ay tunay
Aking mamahalin at 'di paluluhain

Bawat naisin mo'y ibibigay sa 'yo (ibibigay sa 'yo)
Lahat ng gusto mo ay susundin ko (ay susundin ko)
Huwag sanang (huwag sanang) magbabago
Puso't isipan ko'y para lang sa iyo

Pag-ibig ko sa 'yo'y 'di magbabago
Habang tumatagal, lalong nag-iibayo
Buong buhay ko'y inaalay sa 'yo
Kapag nawala ka'y wala na rin ako

Pag-ibig ko sa 'yo'y 'di magbabago
Habang tumatagal, lalong nag-iibayo
Buong buhay ko'y inaalay sa 'yo
Kapag nawala ka'y wala na rin ako
Kapag nawala ka'y wala na rin ako



Credits
Writer(s): Felino Trono
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link