Torpedo

Pasensiya na kung ako ay 'di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama

Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay 'pinanganak na torpe sa ayaw at hindi

Pasensiya na kung ikaw ay naiinis
Ayoko na sanang pag-usapan pa
Kung gusto mo ay manood ka na lang ng sine
'Di ba Huwebes ngayon? Baka may bago nang palabas

Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay 'pinanganak na torpe diyan sa tabi-tabi

Pasensiya na kung ako ay naiiyak
Mababaw lang talaga ang luha ko
'Di ko mapigil ang aking damdamin
Puwede bang umalis ka na? Tumutunog na ang beeper mo

Pasensiya na, ha-ha-ha-ha
Ha, ha-ha-ha-ha-ha
Doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo
Doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo
Doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo
Doo, doo, doo-doo
Doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo
Doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo
Doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo
Doo, doo, doo-doo
Ah, ah, ah, ah, ah
Ah, ah, ah



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link