Muling Buksan Ang Puso (Male Version)

Walang hindi man lang dumanas kailanman
Magmahal nang tapat at 'di man lamang nasaktan
'Yan ay sadyang bahagi ng karanasan
Minsa'y nadarapa, paano mapagagaang?
Puso mo ay buksan at sa pagpapatawad ilaan

Muling buksan ang pusong minsa'y nagtampo
Mamamasdang muli ang kagandahan ng mundo
Walang hapding mananatiling na sa 'yo
Basta't limutin mo, ano mang sakit nito
At ipaanod mo sa agos ng panahong tumatakbo

Alalahanin mong ang buhay nati'y minsan lang
Dusa't ligaya'y kakambal ng nilalang
Mahigpit mong hawakan ang ligaya't sayang
Kung umalis ito'y hindi magbabalik muli
Kaya't buksan ang puso at yakapin mo
Ang kasawian man kung 'yan ang natakda sa 'yo
Bukas, magugulat ka pa paggising mo
Ang kapalit nito ay ligaya ngang totoo
'Di ba't bawat tao ay may kani-kaniyang paraiso?

Kung nasaktan ka man, 'yan din ay magdaraan
Puso'y muling buksan at sa pagmamahal mo ilaan

Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link