Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko (ABS-CBN 2013 Christmas Station ID)

Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas na ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Ano mang lungkot, tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayro'ng paglingap
Mga pangarap, ngayo'y magaganap

Laging masaya ang kuwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa 'yo
Ngayong Kapaskuhan, ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko

Whoa-oh, whoa-oh-oh, whoa-oh, whoa-oh-oh
Kuwento ng Pasko

Mga alaala sa Pasko'y 'di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin, oh
Umuukit nang malalim

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Ay pamilyang nagmamahalan

Laging masaya ang kuwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa 'yo
Ngayong Kapaskuhan, ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko

Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos

Sa iisang awit ngayong Pasko (iisang awit)
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo (magkayakap ang tinig ko't sa 'yo)
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig (yeah, whoa-whoa)
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko (ngayong Pasko)
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo (ikaw at ako)
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga (whoa)
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko (hey)

Sa iisang awit ngayong Pasko (ngayong Pasko, whoa)
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo (ang tinig ko't sa 'yo)
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga (whoa, whoa)
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo (whoa, whoa)
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo sa kuwento ng Pasko

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig (ipagdiriwang ang pag-ibig)
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko (whoa)
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo (ang tinig ko't sa 'yo)
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga (whoa, hey)
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko (magkasama tayo)

Yo, single ka man o may nobyo o nobya
Nagtratrabaho, humahabol sa kota
Ano man ang ginagawa, sino man ang kasama
Ang piliin mo sana'y maging maligaya (sa kuwento ng Pasko)
'Wag kang malungkot kahit 'di nagsipilyo
May taong napapangiti ng ngiti mo (whoa, whoa)
Hindi importante ang nasa resibo (sa kuwento ng Pasko)
Importante, galing sa puso ang regalo (kuwento ng Pasko)

O regalo mo'y puso, pagmamahal (whoa, whoa)
'Yan ang handog na magtatagal (whoa, oh-whoa)
'Di porke may webcam, okay nang 'di magsama (ngayong Pasko)
'Wag kang tamarin, try mo pa rin kung kaya (ngayong Pasko)
Kahit na ano pa ang 'yong tawag
Mapa-"Pasko" o "Pasalamat"
Iba-iba man paniniwala, naniniwala ako (ngayong Pasko)
Lahat tayo, pwede magdiwang ng Pasko

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig (sa 'ting himig, sa 'ting himig)
At ito ay tatawid sa buong daigdig (kuwento ng Pasko)

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa 'yo (kuwento ng Pasko, kuwento ng Pasko)
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kuwento ng Pasko (sa kuwento ng Pasko)

Sa kuwento
Sa kuwento
Kuwento ng Pasko



Credits
Writer(s): Jumbo De Belen, Robert Labayen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link