Kahit Maputi na ang Buhok Ko

Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan man
Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa'tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin mm-mm
Ipapaalala ko sa'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin oh-oh
Ipapaalala ko sa'yo
Ang ating pangako
Na ang pag-ibig ko'y lagi'y sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Kahit maputi na ang buhok ko



Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link