Buhos Ng Ulan

May isang halaman sa tabi ng daan
Unti-unting nalalanta sa natitigang na lupa
Sa init ng tag-araw, 'di mapansin ang sigaw
Nitong munting halaman, sa tag-tuyo'y madiligan

Hm-hm

Tulad ng isang taong punit-punit ang damit
Walang matutulugan, walang mauuwian
Lagalag sa lansangan, humihingi ng limos
Tiyan niya'y kakalam-kalam
Pagkain niya'y galing sa basurahan

Oh-oh

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan
Ulan, ulan, bumuhos ka ulan
Kahit konting patak, siya'y iyong diligan
Ulan, ulan, bumuhos ka ulan
Kahit konting patak man lang

Oh-oh

Langit ay nakatitig, wari'y 'di madinig
Halaman ay tuyong-tuyo
Tao ay sumasamo sa init ng tag-araw
'Di mapapansin ang sigaw nitong munting halaman
Sa tag-tuyo'y madiligan

Hm-hm

Ulan, ulan bumuhos ka ulan
Ulan, ulan, bumuhos ka ulan
Kahit konting patak, siya'y iyong diligan
Ulan, ulan, bumuhos ka ulan
Kahit konting patak man lang

Oh



Credits
Writer(s): Edgar Durias
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link