Melting (Josh Harris Vocal Club Mix)

Dahil sa dulo
Bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungan
Harap-harapang iaabot
Sinong pinili
Habang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama.
Alam natin ang tama bakit di natin ginagawa
Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula
Simula ng simula bakit walang natatapos
Atras abante nalang palagi
Budbod na ang swelas ng sapatos
Ilang beses nangako,
Ilang beses napako
Bakit hindi natin subukan at tulungan at umako
Bumahagi sa bikat na matagal na nating pasan
Pag tayo'y magsamasama lahat ay malalampasan
May mas maayos na bukas para sa ating mga anak
Ang unang hakbang ay ang piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan balota wag na tayong magpa-uto
Nasa atin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong na di ka na kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangako na patagal ng patagal
Hindi tayo kumbinsido wag na nating ihalal
Dahil sa tulongbawal ang kakamot2x
Sa katanungan
Harap-harapang iaabot
Sinong pinili
Habang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama.
Sa isip at salita (dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (dapat tama)
Nang bayan natin makabangong muli (dapat tama)
Sa isip at salita (dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (dapat tama)
Nang bayan natin makabangong muli (dapat tama)
Itama natin ang gabay wag na tayong magreklamo
Itaas ang kamay sa gusto ng pag-asenso
Balikat na nagkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses, sabay-sabay mangako
Itama natin ang gabay wag nang magreklamo
Itaas ang kamay sa gusto ng pag-asenso
Balikat na nagkaakbay hindidi tayo susuko
Malakas na boses, sabay-sabay mangako
Kung walang magpapaloko, wala nang manloloko
Ang mga botanteng pilipino ay 'di mga bobo
Lumiyab, magmadilim, ituwid ang tiwali
Hindi ganon kasimple to
Hindi kelangan magmadali
Ang tiwalang inako sa taong ng maling-mali
Kahit saan natin ulitin at tigna'y maling-mali
Umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy
Kahit ano pa ang iharang ay tumuloy ng tumuloy
Pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panatang
Isulat kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan, wag kang mag-aalangan
Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog, tuloy-tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat, sumigaw sabay-sabaykinabukasan ng bayan ay nasa ating kamay
Dahil sa tulong
Bawal ang kakamot2x
Sa katanungan
Harap-harapang iaabot
Sinong pinili
Habang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama.
Sa isip at salita (dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (dapat tama)
Nang mamamayan natin makabangong muli (dapat tama)
Sa isip at salita (dapat tama)
Lalong lalo na sa gawa (dapat tama)
Sama-sama nating itama ang mali (dapat tama)
Nang bayan natin makabangong muli (dapat tama)



Credits
Writer(s): Georg C Bissen, Victoria Gross
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link