Dinggin

Kahit saan mapunta ikaw ang nakikita
At sa aking paggising ika'y naaalala
Bakit ganito? Ikaw na lang lagi
Ang laman ng aking isip

Ilang beses na bang pinilit kang limutin?
Oh, walang magawa, ako'y bihag mo pa rin
Bakit ganito? Hindi na makatakas (bakit nga ba?)
Sa rehas ng iyong pusong ubod ng lakas

Pakiusap ko sa 'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang di mo na ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag ng bihagin
Ngunit bakit ganito? Ika'y mahal pa rin

Sa iyong mga ngiti ako pa rin nabibighani
Ang iyong magandang tinig tulad pa rin ng dati
'Di ba't nagkasundo magkaibigan na lang tayo
Ngunit damdamin ko 'di mapilit na mabago

Pakiusap ko sa 'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag ng bibihagin
Ngunit bakit ganito? Ika'y mahal pa rin

'Di ko alam ang aking gagawin
Ngayong wala ka na sa aking piling
Ngunit walang magagawa, pag-ibig mo ang susi
Sa pagkabihag kong ito, ano bang gagawin ko?

Pakiusap ko sa 'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito? Bakit ganito?

Pakiusap ko sa 'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang 'di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain at 'wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito? Ika'y mahal pa rin



Credits
Writer(s): Davey Langit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link