Sabihin Mo Na

Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit di kinakausap
Di inaasahang diringgin mo oh
Nakatingala sa ulap

Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Sanay maniwala ka

Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit anoy gagawin
Para lamang sayo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad

Ilang araw mo nang di pinapansin
Ilang araw pang nilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas

Lahat naman tayoy nagkakamali
Sinong di nagsasala
Ngunit kung pano babawi sa pagkakamali
Yan ang halaga

Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit anoy gagawin
Para lamang sayo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad

Patawarin mo sana, sinta
Di ko sinasadya, oh

Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit anoy gagawin
Para lamang sayo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad

Sabihin mo na, sinta
Papano mo mapapatawad
Oh, oh hoh, oh oh hoh



Credits
Writer(s): Top Suzara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link