Sa Kanya

Namulat ako at ngayo'y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagamat nakalipas na ang mga sandali
Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi

Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin?

Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya

At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang
At minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik nang siya'y kapiling pa
Alaala ng buong magdamag

Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin

Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin...

Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya



Credits
Writer(s): Sixto Rapadas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link