Hindi magbabago

Nang matapos na'ng lahat, ako'y nahirapan
Nalaman ko na ikaw ang tanging kailangan
Pinag-iisipang husto sa maiibang mundo
Kay hirap nang wala sa piling mo

Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit ika'y nagbago ng hangarin
Kahit wala na tayo at masakit man sa puso
Ay hindi mawawala mga alaala

At hindi magbabago ang gusto ang puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago

Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit iba pa rin ang nangyari
Walang-walang tatalo sa lahat ng dinanas ko
Pagnanais na ika'y mapasaakin muli

At hindi magbabago ang gusto ang puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago

Kahit malayo na'y malapit ka pa rin sa 'king puso, oh-oh

At hindi magbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to, mananatili 'to
Mananatili 'to at hindi magbabago, whoa

At hindi magbabago



Credits
Writer(s): Tat S Faustino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link