Huli

Kamusta ka na?
Ang tagal na nating walang balita no?
Biruin mo nung naghiwalay tayo
Yun pa yata yung huli tayong nagkita
Ang dami ko na ring pinagdaan, ikaw kamusta trabaho mo?
Ako, eto paraket raket palipat-lipat kung kani-kanino
Sya nga pala yung tanong mo yung dahilan kung bakit ako napatawag
Nakita ko kasi yung kwintas na bigay ko sayo
Naalala mo yun? Yung hugis puso
Naiwan mo sa kama, grabe yung away natin nun no?
Kung mag-iyakan tayo sagad-sagad
Biruin mo inabot ako ng umaga kakahanap sayo
Kung saan-saan ka kasi napadpad...

Huwag kang mag-alala
Makakalimutan din kita
Kung kaya't sakaling di na maibalik
Isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin

Sadyang di na para sa'tin

Eto ako, grabe pinaglipasan na ko ng panahon
Oh may anak ka na daw ah
Congrats nga pala sa kasal mo nung nakaraang taon
Pareho pala yung simbahan
Yung lagi-lagi nating nadadaanan

Natawa na lang ako kasi lagi kitang binibiro doon
Na doon kita papakasalan

Huwag kang mag-alala
Makakalimutan din kita
Kung kaya't sakaling di na maibalik
Isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin
Hanggang may alaalang nagkukubli

At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang di pansinin
Nagpa-paalam sa'tin

Nilalabanan ko naman yung sakit
Maraming salamat nga pala sa pangangamusta
Sabi naman ng mgq doktor eh

Basta pilitin ko siguro kayang-kaya
Medyo nung mga nakaraan lang
Medyo nahihirapan akong huminga
Parang ngayon, parang yung hininga ko parang mapapatid na

Kung kaya't sakaling di na maibalik
Isang bagay na walang kapalit
Pilitin mo man na gustuhin
Sadyang di na para sa'tin
Hanggang may alaalang nagkukubli
At may luha sa likod ng ngiti
Sanayin mo mang di pansinin
Nagpa-paalam sa'tin



Credits
Writer(s): Lokesh Krishna, Roy G.abhiman, Avinash Chebbi
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link