Itanong Mo Sa Mga Bata

Ikaw ba'y nalulungkot?
Ikaw ba'y nag-iisa?
Walang kaibigan?
Walang kasama?

Ikaw ba'y nalilito?
Pag-iisip mo'y nagugulo
Sa buhay ng tao?
Sa takbo ng buhay mo?

Ikaw ba'y isang mayaman
O ika'y isang mahirap lang?
Sino sa inyong dalawa
Ang mas nahihirapan?

Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila?

Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita

Ikaw ba'y ang taong
Walang pakialam sa mundo?
Ngunit ang katotohanan
Ikaw ma'y naguguluhan

Tayo ay naglalakbay
Habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay
Tungo sa hanap nating buhay?

Masdan mo ang mga bata
Ang aral, sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin?

Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila?

Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan?

Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila?

Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay iyong makikita



Credits
Writer(s): Cesar Banares Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link