Sayang Naman

'Di ko malimutan
Ang mga sumpa sa akin na 'di iiwan
Ako ay nagtiwala at sa 'yo ay naniwala
Na ako lamang ang nasa buhay mo

Tandang-tanda ko pa
Nang sabihin mo sa akin na ayaw mo na
Ang mundo ko ay gumuho at ang luha'y biglang tumulo
Ang mga pangarap ko'y naglaho

Ano pa ba ang aking magagawa?
Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa, oh

Sayang naman ang pag-ibig na binuhos ko sa 'yo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sa 'yo
Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
'Di na sana dadating sa ganitong kalagayan, whoa

'Di ko matandaan
Kung ano ang huli nating pag-aalitan
Saan ba 'ko nagkulang? Ano ba ang kasalanan
At ikaw ay biglang lumisan?

Ano pa ba ang aking magagawa?
Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa

Sayang naman ang pag-ibig na binuhos ko sa 'yo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sa 'yo
Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
'Di na sana dadating sa ganitong kalagayan

Ah-ah-ah-ah
Ah-ah-ah-ah-ah-ah
Ah-ah-ah-ah-ah, ah-ah, ah-ah

Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan
'Di na sana dadating sa ganitong kalagayan
Whoa, ooh, oh



Credits
Writer(s): Emil Pama
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link