Anak

Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

Sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
Sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo
Tuwang-tuwa sa 'yo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag, walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

'Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Pinapansin

Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at ang tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"
"Nagkaganyan"

At ang iyong mga mata'y
Biglang lumuha nang 'di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali (nagkamali)
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"



Credits
Writer(s): Freddy Aguilar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link