Alkohol

'Di mapigil paggalaw, nagwawala, nagdadabog
Oy, pare, dahan-dahan lang, muntik ka nang mahulog
May taong bumubulong, mayro'n ding sumisigaw
Mayro'n pang nag-i-Ingles na parang Kanong hilaw
Bigla na lang natutulala, umiiyak, tumatawa
Mayro'n ding nagnanakaw at nawawalan ng pera

Sumusuray 'pag lumakad, nadadapa, nauuntog
'Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog
May taong naggagalas, parang loko-loko
Kung saan ka man abutin, CR mo ang buong mundo

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, alkohol

Uh, yeah

'Di mapigil ang bibig, pati sikreto nasasabi
Nasusuka, kumakanta, napapraning sa isang tabi
"Kaya ko pa, kaya pa", 'yan ang laging sagot n'ya
Nananaginip nang gising, pumupungay ang mata
Kaunting alak, nalulunod, lumalakas ang loob
Umeekis, gumagapang, natitisod, sumusubsob

Labo-labo, sari-sari, may naghahanap ng away
Binabangungot nang gising, mayro'n ding namamatay
Lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang
Umiikot ang tingin, utak mo'y kinakalawang

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, alkohol

Uh, uh
Uh, uh

Lumiliwanag, dumidilim, nadadapa, nauuntog
'Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog
Bukas, may hangover ka, paggising, masakit ang ulo
Pa'no ba 'ko nakauwi? Shit, kailangan ko ng yelo

Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol

Alkohol, alkohol, alkohol, alkohol, alkohol, alkohol...



Credits
Writer(s): Raymund P Marasigan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link