Pag Ayaw Mo Na

May ibang lungkot
Akong nakikita sa iyong mata
'Di mo man sinasabi
May ibang galaw
Na 'di maipaliwanag ng isip ko
Kahit ano pang isipin

Sawa ka na yata
May iba na bang nakita?
Isa lang naman ang aking hiling

'Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
'Di ko matitiis
Na ikaw pa'ng mahirapan
Kasi 'pag ayaw mo na
Ako na'ng lilisan
'Di rin magtatagal
'Pag ayaw mo na nga

Mga titig mo
Wala na ang tamis tulad noon
'Di ka na gaya ng dati
Wala na ang lambing
Ng pagtawag mo sa pangalan ko
'Di kita masisisi

Sawa ka na yata
May iba na bang nakita?
Isa lang naman ang aking hiling

'Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
'Di ko matitiis
Na ikaw pa'ng mahirapan
Kasi 'pag ayaw mo na
Ako na'ng lilisan
'Di rin magtatagal
'Pag ayaw mo na nga

Tinatanong sa sarili
Nagkulang pa ba ako?
Basta't ang alam ko
Ay ginawa ko'ng lahat
Basta't para sa 'yo

'Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
'Di ko matitiis
Na ikaw pa'ng mahirapan
Kasi 'pag ayaw mo na
Ako na'ng lilisan
'Di rin magtatagal

'Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
'Di ko matitiis
Na ikaw pa'ng mahirapan
Kasi 'pag ayaw mo na
Ako na'ng lilisan
'Di rin magtatagal
'Pag ayaw mo na nga

Ayaw mo na
Ayaw mo na ba?
'Pag ayaw mo na
Ayaw mo na
Ayaw mo na ba?
Ayaw mo na ba?



Credits
Writer(s): Josephine 'yeng' Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link