Iingatan Ko (Ang Pag-Ibig Mo)

Ba't 'pag kasama kita, iba ang nadarama?
Pintig ng puso ko'y 'di na tumitigil
Sa aking mga mata, wala nang hihigit pa
Wala pang nakitang katulad mo

Hindi ba kaibigan lang ang turing mo sa akin?
Sana ay malaman mo sa 'yo'y may pagtingin

Iingatan ko ang pag-ibig mo
Lahat ay gagawin alang-alang sa 'yo
Narito ako, ang kaibigan mo
Kay tagal nang may lihim na pagmamahal
At pangako sa 'yo, iingatan ang pag-ibig mo

Pangarap ka noon pa, tibok ng puso'y iba
Sadyang nahulog sa 'yo itong damdamin
Ikaw ay sasagutin, sa langit mo ay dalhin
Ang puso ko'y para lang sa 'yo

Hindi ba kaibigan lang ang turing mo sa akin?
Sana ay malaman mo sa yo'y may pagtingin

Iingatan ko ang pag-ibig mo
Lahat ay gagawin alang-alang sa 'yo
Narito ako, ang kaibigan mo
Kay tagal nang may lihim na pagmamahal
At pangako sa 'yo, iingatan ang pag-ibig mo

Sana'y ikaw at ako, sana'y magkatotoo
Tayong dalawa ay 'di magwawalay
Pangakong habang-buhay, sa 'yo lang iaalay
Pagtitinginang walang kapantay

Iingatan ko ang pag-ibig mo
Lahat ay gagawin alang-alang sa 'yo
Narito ako, ang kaibigan mo
Kay tagal nang may lihim na pagmamahal
At pangako sa 'yo, iingatan ang pag-ibig mo

Iingatan ko ang pag-ibig mo
Lahat ay gagawin alang-alang sa 'yo
Narito ako, ang kaibigan mo
Kay tagal nang may lihim na pagmamahal
At pangako sa 'yo, iingatan ang pag-ibig mo

Iingatan ko ang pag-ibig mo
Lahat ay gagawin alang-alang sa 'yo
Narito ako, ang kaibigan mo
Kay tagal nang may lihim na pagmamahal
At pangako sa 'yo, iingatan ang pag-ibig mo



Credits
Writer(s): Claudia Brant, Steve Singer, Jimmy Borja
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link