Alab Ng Puso (Full Version)

Ika'y matutumba, ika'y masasawi
Mabibilangan ka ngunit babangon kang muli
Walang maniniwala, walang makikinig
Wala na raw pag-asa ang daigdig mong tagilid
Padadala ka ba sa agos o hindi?

Patay na kung patay, magka-alaman lang
Lahat ibibigay dahil wala na 'tong atrasan
Pagitingan ng puso ang labanan

Lumuha ka kung hindi mo mapigilan ang tuwa
Matagal kang naghintay kaibigan, umawit ka
Paabutin mo sa langit ang tamis ng sandaling ibinigay

Tagumpay
Tagumpay
Alab ng puso, kailanma'y hindi sumuko
Tagumpay
Tagumpay

Tagumpay
Tagumpay
Alab ng puso, kailanma'y hindi sumuko
Tagumpay
Tagumpay



Credits
Writer(s): Rico Blanco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link