Cerberus

Sige, pumasok ka
Sa loob ng aking utak, utak, u-, takbo
Sige, bilisan mo pa hanggang sa madapa
Kasi ang kupad-kupad mo
Takbo, para 'di ka maabutan
Kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka, patay kang bata ka
Na para bang nakunan sa sinapupunan, uh

Isa, dalawa, tatlo
Kilala bilang mga sira-ulo
Halatang inakala ng iba
Na 'di makapangyarihan ang mga ginayuma
Wasak ang mga talukap
Ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam
At halatang nagtatangkang maghatakan nang pababa nang pababa lang
Hanggang sa hangganan ng walang-hanggan

Puro mga inggiterong nabagot
Oo, mga feeling-erong nayamot
Pa'no niyo 'ko hihilahin sa balong malalim
Eh, 'di niyo nga 'ko maabot?
Bra-ta-ta-ta-ta-ra, chik-chik, bang!
Oh, 'di ba, nakakatakot?
'Pagkat 'di niyo matatakasan ang boses ng kabataan
Kapag sure hit ang mga pasabog

Sino ba 'yan? Sinubaybayan at sinabayan
Lang naman ng buong sambayanan
Kahit gago, makabago, makatao at makatarungan
Eto na si Abra, tan-ta-na-nan!
'Di man katangkaran pero nakayanang
Umakyat sa pedestal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip
Maski maliit, ang dami pa ring mga tumitingala, brah

Sige, pumasok ka
Sa loob ng aking utak
Pwede mo itong ihalintulad
Sa isang higanteng pintuang 'di mo maitulak
Tignan mo itsura, 'di mo masikmura?
Parang ginawa mong inumin ang suka
'Wag kang umasa na mangyaring magkatsansa ka sa 'kin
Kasi distansiya natin bituin at lupa

Libo-libong sinagupa, binaon parang basura
Pini-picture-an ko muna
Bago ilibing sa lupa, primitimong lirisismo
Pipilitin kong pihitin kung tingin mo, kiliti mo'y
Imposible kong makuha, Pilipinong sining at literaturang
Hinaluan ng mga bara na parang heroglipiko
Ang sulat, mga titik na inipon at sinukat
Ay nagiging ipuipo 'pag hindi ko naisuka

'Pag ako nagalit
Papaupuin kita sa dala ko na karit
Ako si Kamatayang bumaba mula sa langit
Alam mo ba kung bakit?
Para sindihan ka nang buhay
Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
'Pag parang kambing na 'yung amoy
Papatayin ko 'yung apoy, palakol ang gamit

Sige, pumasok ka pa
Sa loob ng aking utak
Hinulma ng usok, puyat
Kuya Kiko at ni 2Pac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
Upang makita nilang lampas 20 ang taas
Maaring makapasok, kaso nga lang 'pag pintua'y nagsarado
Siguradong 'di na pwedeng lumabas

Sige, pumasok ka
Sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng Banahaw
At naligaw sa gitna ng gubat
'Di mo maintindihan, parang dikit-dikit na sulat ng doktor
Mga kabit-kabit na letra, parang tren
Pinatatakbo pa rin kahit akala ng iba'y
Kinakalawang ang motor

Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
'Pag tinamaan ng lintik
Siguradong may baong matataas na along
Kayang lumamon ng isla
Salamat, ginising mo
Ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
Uso 'ata ang utak at pusong mabato
Panahong paleolitiko

Masdan mo ang sugat sa likod ng larawan
Ng mga multong 'di na nagparamdam
Dati'y binabahayan ng pula
Ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa
Mula sa palad ng shaman
Nagpatangay sa hangin
Hanggang sa mapadpad sa patag na dapat lakaran

Pagdaan ko, mga aso kumahol
'Yung iba ay naglabas ng pala, piko't asarol
Sinubukan nilang hukayin ang lalim
Ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang sariling ataul
Tanggalin niyo na muna
Ang mga muta sa mata na nakabara
Hala, sige, maghilamos nang makita niyong
Mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos

Takbo



Credits
Writer(s): Brian Michael Gorman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link