Kaibigan

Sana ay malaman na ako'y nandito lamang
Kung iyong kailangan balikat na sasandalan
Sana ay iyong isipin, sugat ng damdamin
Kahit ito'y malalim ay makakayanan rin

Makakaya mo, kaibigan ko
Kalakip mo ang mga dalangin ko

Mga pangarap mo ay pangarap ko
At kahit na ano'ng mangyari, narito para sa 'yo
Na kasama mo at karamay mo
Habang-buhay mong kaibigan, pangako ko sa iyo

Tayo ma'y magkalapit, tayo ma'y magkalayo
Isang tawag mo lang ay darating ako
Pangako ko, kaibigan, hindi ka mag-iisa
Tulad din ng 'yong pagdamay kapag kailangan ka

Marating sana mga pangarap mo
Kaligayahan mo'y kaligayahan ko

Mga pangarap mo ay pangarap ko
At kahit na ano'ng mangyari
Narito para sa 'yo (narito para sa 'yo)
Na kasama mo (na kasama mo)
At karamay mo (at karamay mo)
Habang-buhay mong kaibigan
Pangako ko sa iyo (pangako ko sa 'yo)

(Narito para sa iyo)
Mga pangarap mo (kasama mo)
Ay pangarap ko (at karamay mo)
At kahit na ano'ng mangyari
Narito para sa 'yo (pangako ko sa 'yo)
Na kasama mo at karamay mo
Habang-buhay mong kaibigan
Pangako ko sa iyo

(Na kasama mo at karamay mo)
(Narito para sa 'yo)
(Na kasama mo at karamay mo)



Credits
Writer(s): Cecile Azarcon, Stephen M. Singer, Dennis Clark
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link