Paano

Paano ba ang mag-isa
Mula nang makasama ka
Kung paano'y limot ko na
Paano ang pag-ibig ko
Kung di rin lang laan sa'yo
Ang buhay nang ating mundo
Di ko alam kung paano

Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa'yo
Paano ba ito.
O kay daming bagay na hindi kona alam
Tulad ng lumuha at sa'yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal.
Paanong aking gagawin
Kapag hindi mo napansin
Kung ito ma'y pangarap din
Paano ba ang magising.
Paano ba aking mahalPaano ba mahal...



Credits
Writer(s): George Canseco, Amarillo Doming
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link