Kailangan Ko Kailangan Mo

Anong lungkot ng mundo
Ngayong walang mga bituin
Ako ngayo'y ganyan din
Nag-iisa sa dilim
Walang kahulugan
Ang buhay na ito
Kung walang minamahal
O di kaya'y nagmamahal
Kailangan ko'y
Kailangan din ako

Ako ngayo'y nalulumbay
Sa 'ki'y walang sumasabay
Ikaw kaya'y katulad ko
Naliligaw sa 'ting mundo

Paano na lang tayo
Kung lagi na lang ganito
Kailangan ko'y katulad mo
Kailangan ang katulad ko

Lahat tayo kailangan ng kasama sa mundong ito
Sana ika'y lagi sa piling ko

Sana ika'y
Sana ika'y
Sana ika'y lagi sa piling ko

Credits
Writer(s): Gerardo Paraiso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link