Ang Buhay ko

Halos lahat ay nagtatanong doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan
Sila'y nalilito, ba't daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam

Magulang ko'y ginawa na ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa aking natutunan
Subalit iniwan ko ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam

Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

Kaya ngayon ako'y narito upang ipaalam
Na 'di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala'y 'di ko hangad na makamtan
Kung 'di ang malamang tama ang aking ginawa

Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

Halos lahat ay nagtatanong doon sa 'ming bayan
Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan
Sila'y nalilito, ba't daw ako nagkakaganito
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam



Credits
Writer(s): M. Pillora
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link