Di mo ako pansin

Mahina ako, kailangan kita
Ako'y marupok, tulad din ng iba
Dahil ba sa labis kong pagmamahal
Kung kaya ba ako ay naguguluhan
Oh, sigaw ng damdamin, 'di mo napapansin

Bakit ba ako'y naninibugho?
Bakit ba ako'y mayro'ng pangamba?
Dahil ba sa kulang ang 'yong pagtingin?
Dahil ba ang puso mo'y 'di ko angkin?
Oh, sigaw ng damdamin, 'di mo napapansin

Ang aking pag-asa'y nasasa'yo
At ang iyong pag-ibig ang buhay ko
Ngunit para bang hindi mo ako pansin

Ang aking pag-asa'y nasasa'yo
At ang iyong pag-ibig ang buhay ko
Ngunit para bang hindi mo ako pansin

Bakit ba ako'y naninibugho?
Bakit ba ako'y mayro'ng pangamba?
Dahil ba sa kulang ang 'yong pagtingin?
Dahil ba ang puso mo'y 'di ko angkin?
Oh, sigaw ng damdamin, 'di mo napapansin

Ang aking pag-asa'y nasasa'yo
At ang iyong pag-ibig ang buhay ko
Ngunit para bang hindi mo ako pansin

Ang aking pag-asa'y nasasa'yo
At ang iyong pag-ibig ang buhay ko
Ngunit para bang hindi mo ako pansin



Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link