Intro (Spoken Word)
Sampung Bagay na Natutunan ko mula sa mga umiibig.
Una, napakatamis ng mga simula, ng mga umaga na ang bumubungad sa'yo ay ang kanyang mukha.
Nag-aalmusal ka ng kilig at pagdating sa gabi ay baon mo siya hanggang sa paghimbing.
Dito, dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti, ng ibang kamay na humahawi sa'yong buhok, ng mga mata na sumisisid sa iyong kaluluwa.
Pangalawa, napakadaling maging kampante at masanay sa pagmamahal.
Ang malunod sa kapangyarihan ng 'kami', ng 'tayo', ng 'atin'.
Pero paano naman ang 'kanya'?
Paano naman ang 'ako'?
Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo.
Pangatlo, mapapagod ka.
Pero pang-apat, ang tunay na pag-ibig, hindi dapat sinusukuan 'di ba!?
Pero pang-lima, ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat!
Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa'yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin, kapag ang langit na dating nilipad mo ay naging kulungang nasa 'yo naman ang susi at kandado pero ayaw mo parin pang lisanin...
Pang-anim.
Ang pinakamabagsik mang apoy ay mamamatay.
Maghanda ka sa sakit.
Pero 'wag kang mag-aalaga ng galit, ito ang pang-pito.
Iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito.
Iiwanan ka nitong abo.
Pang-walo.
Maghanda ka sa wakas.
Pang-siyam.
Alam ko, parang hindi ka pa talaga handa sa wakas, wala naman yata talagang nagiging handa sa wakas pero pang-sampu. andyan ang wakas, at sa wakas
Mahalin mo pa siya.
Sa tingin, sa tanaw, mula sa abo na iniwan ng dati ninyong apoy, mahalin mo pa siya.
Pero kapag ang pakpak ng dati mong pag-ibig ay naging gapos na, kapag ang langit na minsan mong nilipad ay naging kulungan na, mahalin mo siya sa huling pagkakataon pagkatapos, bitaw na.

Credits
Writer(s): David Jolicoeur, Kelvin Mercer, Paul Huston, Vincent Mason Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
- Intro (Spoken Word)
- 1974 (Live)
- Spleen Rap (Spoken Word)
- Let's Go Thundering (Live)
- Carcasses Rap (Spoken Word)
- I'm Only You (Live)
- Glass Hotel (Live)
- Minotaur Rap (Spoken Word)
- I Something You (Live)
- Problem With Physics Rap (Spoken Word)
All Album Tracks: Storefront Hitchcock: Music from the Jonathan Demme Picture >
© 2025 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.