Iniwan Mo

Masakit sa akin ang isipin na wala ka na
Parang 'di ko kayang magpatuloy nang nag-iisa
'Di ko inakalang darating sa atin ang ganito
Ang mabuhay nang wala sa piling mo

Kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na (mawawala ka na)
Kay sakit namang isipin na ako'y iiwan mo na
Dahil 'di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
Naglaho ang lahat magmula nang ako'y iniwan mo (naglaho ang lahat)
(Magmula nang ako'y iniwan mo)

Sinubukan kong limutin
Ang ating nakaraan
Mga sugat ng damdamin
Ang aking nakakamtan
'Di ko inakalang darating sa atin ang ganito
Napakasakit isipin na wala na ang pag-ibig mo

Kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na (mawawala ka na)
Kay sakit namang isipin na ako'y iiwan mo na
Dahil 'di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
Naglaho ang lahat magmula nang ako'y iniwan mo

Kung maibabalik ko lang sana
Ang ikot ng mundo
Sa piling mo mahihimlay
Sa habang panahon

Oh, whoa, whoa (Kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na, mawawala ka na)
Kay sakit namang isipin na ako'y iiwan mo na
Dahil 'di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
Naglaho ang lahat magmula nang ako'y iniwan mo

Iniwan mo
Oh, oh



Credits
Writer(s): Annabelle Regalado-borja, Sherwin Castillo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link