Simpleng Juan

Itong harana ko ginawa para sa'yo,
Ito lang ang maaalay ko,
Di tulad ng iba diyan na sikat at mayaman,
Ako lang ay isang simpleng Juan.

Wala naman ako maipagyayabang sa'yo,
Kung hindi itong pag-ibig ko.
Alam kong suntok sa buwan aking nararamdaman,
Dahil ako'y isang simpleng Juan.

Tanglaw sa dilim ang aking pag-ibig,
Ngunit agwat ay lupa at langit.
Sana'y wag magagalit sa aking inaamin,
Na nandito ako nagmamahal sa'yo.

Wala naman ako mapagmamalaki sa'yo,
Kung hindi itong puso ko.
Na maaasahan mo 'pag may umaapi sa'yo,
Yan' lang kaya ng simpleng Juan.

Kung ika'y nagtataka kapalit nitong kanta,
Ito lang hiling ng simpleng Juan.
Na ako at ako lang habang buhay hahagkan.
Yan' lang hiling ng simpleng Juan.



Credits
Writer(s): Martinez Christian
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link