Ikaw Pa Rin

Nang matapos na ang mga araw na ika'y sa aking piling
Iniibig ka pa rin
Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw
Sa tuwing magdamag, ikaw pa rin

Bakit nga ba 'tong pusong nasugatan?
Tila nais pa rin maramdaman, tamis ng yakap mo't halik

Naaalala mo pa ba nu'ng tayo'y magkasama pa?
'Yong sinabi't pinangako na nalimot mo na s'ya
Kahit naglaho ka na, muling sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin

Tuwing paggising sa umaga
Ang iyong mukha ang nais halikan at sambahin
Sa maghapon ay iniisip ka lamang
At ang mga nakaraan na kay saya

Bakit nga ba iyong puso'y sinugatan?
Habang pagsisisi ay hindi na kailanman mawawala

Naaalala mo pa ba nu'ng tayo'y magkasama pa?
Aking sinabi't pinangako na tayo'y may pag-asa
Ngayon kahit siya'y akin, sa kanyang yakap at lambing
Ang ninanais ay ikaw pa rin, ikaw pa rin

Nang matapos na ang mga araw na ika'y sa aking piling
Iniibig ka pa rin
Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw
Sa tuwing magdamag, ikaw pa rin

Naaalala mo pa ba nu'ng tayo'y magkasama pa?
'Yong sinabi't pinangako na nalimot mo na s'ya
Kahit naglaho ka na, muling sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin

Ikaw pa rin, ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin, ikaw pa rin



Credits
Writer(s): John Oliver A. Agustin, Chrisanthony C. Vinzons, Emil Joseph I. Arabit, Aldrick D. Yu
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link