Lumakad Ka

'Di ba't ang tao nang isilang
Siya'y walang bahid ng kasalanan
Wala ni saplot ang kanyang katawan
Walang 'sing gandang pagmasdan

At siya'y lumaki at nagbago
Natutong kasalana'y maitago
Naging 'di tapat maging sa kanyang puso
Naging talusira sa pagsuyo

At lumakad ka
Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw
Ang pagkakasala bayaan mabilad sa init ng araw
Ikaw ay humingi at 'di siya hihindi, ika'y patatawarin
Ika'y tao lamang din mahina, matuksuhin

Ako'y isang tao rin nagkasala
Nalihis sa landas ng pag-asa
Ipaubaya ninyo na lumakad din ako
Na isang hubad sa mundo

At lumakad ka
Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw
Ang pagkakasala bayaan mabilad sa init ng araw
Ikaw ay humingi at 'di siya hihindi, ika'y patatawarin
Ika'y tao lamang din mahina, matuksuhin

Ako'y isang tao rin nagkasala
Nalihis sa landas ng pag-asa
Ipaubaya ninyo na lumakad din ako
Na isang hubad sa mundo
Na isang hubad sa mundo



Credits
Writer(s): Composer Author Unknown, George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link