Bakit Kaya

Ilang taon na pala sa atin nagdaan
Parang kailan lang ang lumipas
Tila ngiti mo'y 'di kukupas
Tandang tanda ko pa no'ng tayo'y bago pa
Walang patid na kasiyahang
Ang sa atin namamagitan

Ngunit isang araw tila gumunaw
Pag-ibig mo, pag-ibig ko sa'n na napunta?

Bakit kaya nangyari 'to? Saan kaya patutungo?
Pag-ibig mo, pag-ibig ko 'wag sanang maglaho
Nasa'n na ang pangarap mo?
Nasa'n na rin ang sumpa ko?
Pag-ibig mo, pag-ibig ko saan na ba?

Minsan ako'y tulala, minsa'y kausap ay wala
Tinatanong sa 'king sarili
"Sa'n ba nagkulang?" aking sabi
Naglalakad, hindi alam kung saan magpupunta
Litong lito sa kaka-isip
Naninikip aking dibdib

Ngunit isang araw tila gumunaw
Pag-ibig mo, pag-ibig ko sa'n na napunta?

Bakit kaya nangyari 'to? Saan kaya patutungo?
Pag-ibig mo, pag-ibig ko 'wag sanang maglaho
Nasa'n na ang pangarap mo?
Nasa'n na rin ang sumpa ko?
Pag-ibig mo, pag-ibig ko saan?

Bakit kaya nangyari 'to? Saan kaya patutungo?
Pag-ibig mo, pag-ibig ko 'wag sanang maglaho
Nasa'n na ang pangarap mo?
Nasa'n na rin ang sumpa ko?
Pag-ibig mo, pag-ibig ko saan?

Saan na ba?



Credits
Writer(s): Minnith Mota
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link