Paglisan

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin

'Di mo man silip ang langit
'Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig

Sa pagbuhos ng ulan, sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit

'Di man umihip ang hangin (ah)
'Di man umihip, ika'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig



Credits
Writer(s): Cristi Barbie, Villegas Michael Joseph L
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link