Walang Kasing Sarap

Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap
Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap

Paano ko ba ipapaliwanag
Ang aking nararamdaman para sa 'yo?
Ikaw na talaga
Magmula noong ikaw ay matikman

Bawat oras na lumilipas, bawat minuto, walang mintis
Kung sumagi ka sa aking isipan
Naiinip, nasasabik na muli kang makapiling
Pero habang magkasama

Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap
Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap

Sa dinami-dami ng nakilala
Sa 'yo lang ako nagkaganito
Walang kapantay, walang kaparehas
Walang kasinglakas ang tama mo

Gumuguhit ang 'yong init, ang 'yong heat, walang kasinglebel
Kung humagod ka sa aking puso
Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado't Linggo
Ikaw ang nasa isip ko

Lasap na lasap
Ang daloy mo sa aking katawan
Tamis ng iyong mga labi
Na iniwan mo, hindi ko makalimutan

Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap
Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap

Lagi kitang hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap
Lagi kitang, oh, hinahanap
Walang kasinggaling, walang kasingsarap



Credits
Writer(s): Dino Vincent Paul A Concepcion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link