Katarungan
Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak
Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag
Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad
Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa?
Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak
Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa
Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya
S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa
Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya?
Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan?
'Di ba't ang batas natin, pantay-pantay, walang mahirap, mayaman?
Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan?
Mga ilang araw na lamang, haharapin na n'ya ang bitayan
Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang walang kasalanan?
Tanging ang Diyos lamang ang s'yang saksi at s'yang nakakaalam
Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil kung sino'ng may kasalanan
Dumating na ang araw, haharapin na n'ya, kanyang kamatayan
Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang
Oh, ang batas ng tao, kung minsan ay 'di mo maintindihan

Credits
Writer(s): Freddie Aguilar
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2025 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.