Di Na Matatanggap

Kung sasabihing 'di na mahal
At wala na sa 'yong pakialam
Matatanggap mo ba kung mawawala sa 'yo
Pag-ibig at pagsuyo ko?

Pagod na ang puso kong maghintay
Ako na lang ba ang nagmamahal?
Alam kong wala na akong halaga para sa 'yo
Mas mabuti na 'koy lumayo

'Di na matatanggap
Isusuko na ang lahat
'Di na matatanggap
Dito na magwawakas
Ngayo'y alam ko na ang tunay kong nadarama
Pag-ibig ko sa 'yo ay wala na
Wala na

Bakit kailangan mong itago
Sa tuwing kasama mo ako?
Ba't 'di tanggapin ang tunay na damdamin mo
Minsa'y minahal mo rin ako

'Di na matatanggap
Isusuko na ang lahat
'Di na matatanggap
Dito na magwawakas
Ngayo'y alam ko na ang tunay kong nadarama
Pag-ibig ko sa 'yo...

Sana'y may magmahal sa 'yo muli
Tulad ng pag-ibig ko at 'di na magkamali
Tunay na pag-ibig minsan lang dadaan
'Wag mong sayangin 'to
Tulad ng pag-ibig ko, oh

'Di na matatanggap
Isusuko na ang lahat
'Di na matatanggap
Dito na magwawakas
Ngayo'y alam ko na ang tunay kong nadarama
Pag-ibig ko sa 'yo ay wala na

Oh, ayaw ko na
Ay, ay, ayaw ko na
Ngunit mahal pa rin kita



Credits
Writer(s): Kris Lawrence
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link