Ikaw Sana

Sa buhay natin
Mayro'ng isang mamahalin, sasambahin
Sa buhay natin
Mayro'ng isang bukod tangi sa lahat at iibigin nang tapat

Ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ika'y nilalaro ng panahon
May ibang makikilala at sa unang pagkikita
May tunay na pag-ibig na madarama

Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin?
Ikaw sana

'Di mo napapansin
Sa bawat araw na kasama mo s'ya, kapiling ka n'ya
Bawat sandali
Punung-puno ng ligaya't saya, damdamin ay iba

At sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ika'y nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap, mga labi nyo'y naglapat
Ang inyong mga mata'y nagtatanong at nangangarap

Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin?
Ikaw sana

At sa 'di sinasadyang pagkakataon
At para bang ika'y nilalaro ng panahon
Bigla kayong nagyakap, mga labi nyo'y naglapat
Ang inyong mga mata'y nagtatanong at nangangarap

Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin?

Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y malaya pa?
At hindi ngayon ang puso ko'y may kapiling na
Bakit ba hindi ka nakilala nang ako'y nag-iisa?
Sino ang iibigin?
Ikaw sana



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link