Umaasa

Umaasa kahit na wala na
Umaasa kahit na wala na

Ngayong gabi, hindi na padadaig
Handang haharapin, hindi kakapit sa patalim (kahit na)

Umaasa kahit na wala na
Umaasa kahit na wala nang pag-asa

Pikit-mata akong sasagupa
Hindi aatras, hangga't mayroong lakas (kahit na)

Umaasa kahit na wala na
Umaasa kahit na wala nang pag-asa

Pag-asa, pag-asa, pag-asa

Ano man ang mangyari, ako'y laging naririto
Handang tumulong anumang oras, 'di ka na mabibigo
Ikaw lamang ang tinitibok nitong aking puso
Sa bawat pintig nito hanggang huminto, sa 'yo lumulukso

Kapag ika'y nalulumbay, hawakan ko ang 'yong kamay
Kapag ika'y naluluha, hindi ako mawawala
Kapag ika'y nalulungkot, ika'y patatawanin
'Pag nalagay sa alanganin, ako'y tatawagin

At dali-daling darating, ito'y kakailanganin
Ako'y magsisilbing kawayan sa lakas ng hangin
Ako ay ikaw at ikaw ay ako
Pumapaindalog sa ikot ng mundo

Umaasa kahit na wala na
Umaasa kahit na wala na
Umaasa, umaasa
Umaasa, umaasa

Umaasa kahit na wala na
Umaasa kahit na wala nang pag-asa (pag-asa)
Pag-asa (pag-asa)



Credits
Writer(s): Joseph Darwin Hernandez, Sarmiento Ryan, Francis Michael D Magalona, Damaculangan Rhoniel, Roberto K Canamo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link