Tugon

Kung ang dasal sa Maykapal t'wing sasapit ang dilim
Nangangambang walang sagot ang 'yong hiling
Ramdam mo'y may pag-iling

Nadungisan, hindi mahugasan
Mukhang 'di maipagyabang, nangangating mga paa
'Di sadyang tumagos sa kanyang kinalalagyan

At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may tumubos
At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may tumubos

Salamin sa tabi, naglalarawan ng pait
Alaalang nangingibabaw ang sakit
Pilit mong inuuwi sa 'yong langit

May linlangan sa paghabi sa saplot na iyong pinakakukubli
'Di mo sadyang tumagos sa iyong kinalalagyan

At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may tumubos
At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may tumubos

At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may tumubos
At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may tumubos

At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos?
Puri mong naghihintay na may...



Credits
Writer(s): Roly Lucero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link