Magkaibang Mundo

'Di na ba tayo magbabago?
Napapagod na sa pakikibaka
Ba't 'di kaya tayo magkasundo-sundo?
Lumakad na ang mga luha
Nilipas na ng panahon
Sugat na tila'y walang kasing hapdi

Nasa'n ka man ngayon
Sana'y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana'y maisip mo ako

Tuloy ang awit sa ilalim ng tala
Unti-unting maaabot
Pagsapit ng dilim, aking hiling
'Di man masilayan
Tamis ng kahapon
Sumpa ko ng aking lalakbayin

Nasa'n ka man ngayon
Sana'y mabuti ka
Magkaibang mundo
Sana'y maisip mo...

Walang balakid, walang makakapigil
Ang iyong pangalan, sigaw ng damdamin
Hindi alam kung sa'n tutungo kung wala ka



Credits
Writer(s): Arthur Bernard Lui Pio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link