Kung Ibibigay Sa'yo

Aaminin ko, ilang ulit nang nagmahal
Nasaktan at nabigo, sumuko na itong puso
Nakilala ka, ang pagsuyo mo'y naiiba
Nakikita ko ang hangarin mo, ngunit tanong ng puso

Kung ibibigay sa 'yo, (pag-ibig ko) pag-ibig kong ito
Makakaasa bang 'di mabibigo itong puso ko?
Kung tiyak, tapat at tunay, (pag-ibig mo) pag-ibig mong alay
Puso ko'y muling iibig at sa 'yo ibibigay

Aaminin ko, nag-iingat lang itong puso
'Di basta padadala sa matatamis na pangako
Kung sadyang ika'y pinahihirapang tunay
Aaminin ko na patunayan mo itong tanong ng puso

Kung ibibigay sa 'yo, (pag-ibig ko) pag-ibig kong ito
Makakaasa bang 'di mabibigo itong puso ko?
Kung tiyak, tapat at tunay, (pag-ibig mo) pag-ibig mong alay
Puso ko'y muling iibig at sa 'yo ibibigay

Ayoko nang saktan muli ang puso ko
Nais ko ay pagmamahal na hindi nagbabago

Kung ibibigay sa 'yo, pag-ibig kong ito
Makakaasa bang 'di mabibigo itong puso ko?
Kung tiyak, tapat at tunay, pag-ibig mong alay
Puso ko'y muling iibig at sa 'yo ibibigay

Kung ibibigay sa 'yo, (pag-ibig ko) pag-ibig kong ito
Makakaasa bang 'di mabibigo itong puso ko?
Kung tiyak, tapat at tunay, (pag-ibig mo) pag-ibig mong alay
Puso ko'y muling iibig...



Credits
Writer(s): Nina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link