Ibig Kong Ibigin Ka

Kahapon lamang, kay ginhawa ng buong mundo
Lahat ng bagay, kay gaan pa ring tumatakbo
At kung ligaya'y kulang man, sa kapipilit ko'y naghuhusto
Tamang-tama lang ang buhay ko

Kahapon lang, kahapon ko'y nagbago na'ng lahat
Umaga't hapon, ang loob ay aandap-andap
Bumubuhol ang isip ko, sa hirap ko'y kailan maaangat?
May pag-asa bang matatanggap?

Ano'ng nangyari, napaibig lamang ako?
Tahimik kong mundo'y biglang nasangkot sa buhay mo

Kanina lang, naisip ko, marahil, buti pa
Ang buhay ko ay nabayaan nang nag-iisa
Kaya nang minsang iwan mo, tiyak na isip ko'y mag-iiba
Dahil ibig kong ibigin ka

Credits
Writer(s): Vic Villafuerte
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link