Damdamin

Kahit ako'y 'di mo ngayon pinapansin
Nakatanaw man sa iba ang paningin
Kailan ma'y huwag akalain na aking daramdamin
Ang pag-ibig ko ay nililihim ko rin

Kahit tuwina'y aking napapangarap ka
At alam kong gayon ka rin sa 'kin, sinta
Kailan ma'y 'di sasabihin na minamahal din kita
'Pagkat lihim din ang damdamin ko

At kung tayo'y 'di na muli pang magkita
Kapwa tayo malulungkot na dalawa
At doo'y sisisihin damdaming sinungaling
Na 'di nagsabing mahal din kita

At doo'y sisisihin damdaming sinungaling
Na 'di nagsabing mahal din kita



Credits
Writer(s): Abando Joseph, Gil Baby
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link