Sana Ay Ikaw Na Nga

Anong kailangan kong gawin
Upang malaman mo, ikaw ay minamahal ko
Kailangan ko'y katulad mo sa buhay kong ito
Nag-iisa lang sa mundo

Dati'y nasaktan na ako, takot nang magtiwala
Ayoko na sanang umibig pa
Ngunit ika'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga

Anong kailangan kong gawin upang matigil na
Ang kabaliwan kong ito
Sumpa ko sa sarili, hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako

Hindi na papipigil pa at 'di na paaawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga

Anong kailangan kong gawin upang matigil na
Ang kabaliwan kong ito
Sumpa ko sa sarili, hinding-hinding hindi na
Ngunit heto na naman ako

Hindi na papipigil pa at 'di na paawat
Sinisigaw na ang pangalan mo
Ikaw talaga'y ibang-iba sa lahat ng nakilala
Sana ay ikaw na nga

Sana ay ikaw na nga



Credits
Writer(s): Cecile Azarcon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link